4Q Performance Task #1: Mga Impluwensiya ng Espanyol sa Ating mga Ninuno (Blog) - SOCHACO
Mga pagkaing Espanyol na nagustuhan at minahal ng mga Pilipino hanggang sa ngayon
Ang empanada ay nagmula sa Galicia, Spain isa sa paboritong merienda ng mga Pinoy. Ito ay gawa sa giniling na manok na may kasamang hiniwang patatas, pasas, at iba pang sangkap. Ito ay nababalot ng malutong na tinapay.
Isang masarap na putahe mula sa Valencia Spain na paboritong handa sa piyesta. Ito ay gawa sa malagkit na bigas, na kinulayan ng atsuete, maraming sahog sa karne, seafoods at gulay.
Afritada, mula sa salitang Kastila na "Fritada" na prito sa Filipino sumikat ito noong 15th century ito ay piniprito muna ang manok o karne bago pakuluan sa tomato sauce. May pagkakahawig sa Menudo. May sahog na carrots, patatas at bell peppers. Paboritong handa sa fiesta.
Sa anumang panahon, umuulan, umaaraw paboritong almusal meryenda ng mga Pinoy ang arroz caldo, mula sa salitang kastila arroz (bigas) at caldo (sabaw). Ito ay gawa sa malagkit na bigas na ginawang lugaw, na may manok, luya, bawang, at sibuyas.
Champorado, paborito ng Pinoy tuwing umuulan. Ito ay gawa sa malagkit na bigas na ginawang lugaw at may sangkap na asukal at tablea. Hinahaluan rin ito ng condensada na gatas o gata ng niyog.
4Q PT in AP#1
Elijah Sochaco
5- St. Cecilia
Comments
Post a Comment