Elijah Gabriel A. Sochaco 6 - St. Peter Blog in Araling Panlipunan
Ang Teritoryo ng Pilipinas
Ito rin ay may kabuuang sukat na 300,000 kilometro kuwadrado (115,830 sq mi), 298,170 nito ay kalupaan at ang natitirang 1,830 ay katubigan. Ayon sa konstitusyon ng bansa na pinagtibay noong 1987, ang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng mga isla, katubigan at mga teritoryong nasasaklawan ng bansa. Kasama rito ang "terrestrial domain" "fluvial domain" at "aerial domain" Sa kasalukuyan, ang bansa nahaharap sa issue ng "agawan" ng teritoryo. Ang mga pulo ng kalayaan ng bahagi ng Spratley na matatagpuan sa West Philippine Sea ay pinag-aagawan ng mga bansang Pilipinas, China, Taiwan, Vietnam, Brunei, at Malaysia. Pinaniniwalaan na ang lugar na ito ay hitik sa yamang likas partikular ang malawak na deposito ng natural na langis. Noong 1978 nang nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang isang batas ukol dito. Isinasaad nito ang mga Pulo ng Kalayaan ay sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
Ang Pulo ng Kalayaan ay may layong 270 nautical miles lamang mula sa Palawan. Ang paggamit ng West Philippine Sea na dating South China Sea ay sinimulan ng administrasyong Aquino noong 2012 upang mas mapaigting ang pakikipaglaban nito sa pag-aangkin ng Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc,
Ang bawat bansa sa mundo ay mayroong teritoryo na dapat kilalanin at igalang ng iba't ibang bansa.
Alam niyo ba na ang Pilipinas ay mahahanap sa Timog-Silangang Asya at sa kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko?
Ito rin ay may kabuuang sukat na 300,000 kilometro kuwadrado (115,830 sq mi), 298,170 nito ay kalupaan at ang natitirang 1,830 ay katubigan. Ayon sa konstitusyon ng bansa na pinagtibay noong 1987, ang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng mga isla, katubigan at mga teritoryong nasasaklawan ng bansa. Kasama rito ang "terrestrial domain" "fluvial domain" at "aerial domain" Sa kasalukuyan, ang bansa nahaharap sa issue ng "agawan" ng teritoryo. Ang mga pulo ng kalayaan ng bahagi ng Spratley na matatagpuan sa West Philippine Sea ay pinag-aagawan ng mga bansang Pilipinas, China, Taiwan, Vietnam, Brunei, at Malaysia. Pinaniniwalaan na ang lugar na ito ay hitik sa yamang likas partikular ang malawak na deposito ng natural na langis. Noong 1978 nang nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang isang batas ukol dito. Isinasaad nito ang mga Pulo ng Kalayaan ay sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
Comments
Post a Comment